
Nakaipon ako sa pagbebenta ng pictures ko
“Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya ko.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang kuwento tungkol sa matinding sakripisyong ginawa niya para matulungan ang kanyang inang nawalan ng kakayahang makarinig. Dahil sa kagustuhang makabili ng hearing aid para rito at sa bigat ng responsibilidad bilang anak, napilitan siyang sumubok ng isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Sa paghahanap niya ng paraan para makalikom ng pera, nakilala niya ang isang lalaking nangako ng tulong kapalit ng mga sensitibong larawan niya, ngunit nauwi ito sa panloloko at matinding takot. Isang kuwento ito ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at kung gaano kalayo ang kayang marating ng isang anak para sa mga magulang niya. Ito ang secret file ni Nancy.


















